Nasa plano na ng Department of Transportation ang pagpapatayo ng kauna-unahang cable car sa bansa.
Sa isinagawang Build Better More Infra Forum ng PCO, sinabi ni DOTr Usec. Timothy John Batan na nakikipagtulungan ito ngayon sa Asian Development Bank kaugnay ng potensyal ng isang cable car connection mula sa MRT-4 Taytay station patungong Antipolo City.
Natapos na aniya ang pre-feasibility study para sa naturang proyekto at sunod na isasalang ito sa detalyadong feasibility study.
Dito, tutukuyin kung magkano ang posibleng magastos para sa pagpapatayo ng Antipolo Cable Car at kung gaano karaming pasahero ang maaaring makinabang dito.
Inaasahang matatapos naman ang feasibility study sa taong 2025 at posibleng masimulan ang bidding para sa proyekto sa 2026. | ulat ni Merry Ann Bastasa