Kumalas na sa Partido Demokratiko Pilipino (PDP) si Senate Majority leader Francis Tolentino dahil aniya sa pagkakaiba sa posisyon niya at ng partido sa usapin ng West Philippine Sea (WPS).
Nagpadala si Tolentino ng liham kay PDP President at Senador Robin Padilla matapos ang panawagan ni Padilla na mag-resign sa na sa partido si Tolentino para maiwasan ang conflict of interest pagdating political issues.
Sa liham na pinadala ni Tolentino kay Padilla ngayong araw, nakasaad na effective immediately ang kanyang pagkalas sa PDP at pinahayag ang kanyang kagustuhan na tahakin ang landas bilang independent legislator.
Ang desisyon aniyang ito ni Tolentino ay matapos ang masusing pag-iisip at dahil sa pagkakaiba nila ng partido pagdating sa foreign policy directions, lalo na sa WPS issue.
Binigyang diin ng senador ang kahalagahan ng pagtataguyod ng 2016 arbitral ruling bilang mahalaga aniya ito sa ating territorial integrity.
Pinaliwanag pa nitong kahit na may merito ang posisyon ng partido para sa bilateral dialogue kaugnay ng usaping ito ay hindi naman ito nakalinya sa prinsipyo ng arbitral ruling at maaaring magpahina ng posisyon ng ating bansa sa international arena.
Dinagdag rin nitong maaaring hindi sapat ang ganitong paraan para maprotektahan ang karapatan at kabuhayan ng mga Pilipinong mangingisda, matumbasan ang katapangan ng ating mga sundalo at kilalanin ang papel ng international allies ng Pilipinas.| ulat ni Nimfa Asuncion