Two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, makakatanggap ng P20-M mula PAGCOR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ni PAGCOR Chair Alejandro Tengco na makakatanggap ng P20 milyong reward ang Pinoy gymnast na si Carlos Yulo matapos nitong makasungkit ng dalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.

Paliwanag ni Tengco sa House Committee on Appropriations, salig sa RA 10699 o National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act, ang gold medalist ay makakakuha ng sampung milyong piso habang ang kaniyang coach at trainor ay mayroon naman limang milyong piso.

At dahil sa dalawang ginto ang nakuha ni Yulo, madodoble ito sa P20 million at kaniyang coach at trainer naman ay makakakuha ng P10 milyon.

Salig sa naturang batas ang silver medalists ay makakakuha ng P5 million habang ang kanilang trainer naman ay makakakuha ng P2.5 million.

Ang bronze medalist ay makakakuha ng P2 million at ang coach ang trainer ay may P1 million naman.

Sabi pa ni Tengco ang mga insentibo o reward na ito ay hindi pinapatawan ng buwis.| ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us