Las Piñas City, pinatunayan kung bakit sila ang may award winning nutrition program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghain ng masustansiyang pagkain ang pamahalaang lungsod ng Las Piñas sa mga residente nito.

Ayon sa Las Piñas LGU, partikular na binisita ng Kusina ng Las Piñas ang Aster Sampaguita, Barangay Almanza 2 para magpakain ng masustansiyang “Arrozcaldo with boiled egg” sa nasa 600 residente.

Paliwanag ng lokal na pamahalaan na ang nasabing inisyatiba ay handog nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar, sa pangangasiwa ng Las Piñas City Nutrition Office.

Matatandaang kamakailan lamang ay pinarangalan ang nasabing lungsod dahil  sa dekalidad at epektibong programang nutrisyon nito para sa kapakanan ng mga residente.

Ang Certificate of Quality Nutrition Program ay iginawad sa Nutrition Honor Awardees (NHA) na nagpamalas ng pangkalahatang pagsunod sa mga itinakdang pamantayang nutrisyon tungo sa napaka-epektibong pamamahala ng nutrition program ng kani-kanilang 2023 local nutrition action plan. | ulat ni Lorenz Tanjoco

📸: Las Piñas LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us