Isasagawa ang taunang pagpupulong ng Mutual Defense Board – Security Engagement Board (MDB-SEB) ng Pilipinas at Estados Unidos sa Philippine Military Academy sa Baguio City sa darating na Agosto 29.
Ang pagpupulong ay inaasahang dadaluhan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. at US Indo-Pacific Command (USINDOPACOM) head Admiral Samuel Paparo.
Dito’y tatalakayin ng mga opisyal ng magkaalyadong pwersa ang nagkakaisang “policy direction” patungkol sa mga isyung pandepensa at panseguridad.
Pag-uusapan din sa MDB-SEB ang mga nakahanay na sabayang aktibidad ng dalawang pwersa para sa susunod na taon kabilang ang “Balikatan” at “Salaknib” exercises. | ulat ni Leo Sarne