Iloilo solon, nanawagan sa mga kababayan na agad magpatingin sa doktor oras na makaramdam ng sintomas ng dengue

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalungkot ni Iloilo Representative Janette Garin ang naitalang outreak ng dengue sa kanilang probinsya.

Matatandaan na nagdeklara ng State of Calamity sa Iloilo dahil sa mataas na kaso ng dengue.

Aniya, pinakamainam pa rin ang early detection kaya’t kung may maramdamang sintomas ay agad magpatingin sa doktor.

Paalala din niya na ugaliing uminom ng tubig at magkaroon ng sapat na tulog para matulungang mapalakas ang resistensya.

Kasabay nito nanawagan si Garin sa Department of Health (DOH) Central Office na kalampagin ang DOH Region 6 para sa kagyat na pagpapalabas ng pondo para sa mga kagamitan kontra dengue.

Batay sa Iloilo Provincial Health Office (IPHO) Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU) mula January 1 hanggang August 17, ay nakapagtala ang probinsya ng 5,836 dengue cases kung saan may 10 namatay. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us