Nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan ng Pilipinas sa gobyerno ng Indonesia para sa mas mabilis na pagpapabalik sa bansa nina Alice Guo at ilan pang miyembro ng pamilya nito.
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasunod ng pagkaka-aresto nina Cassandra Ong at kapatid ng dating alkalde na Shiela Guo, ngayong araw (August 22).
Sabi ng Pangulo, posibleng ngayong araw rin makabalik ng bansa ang mga ito.
“Yes, well you know what I know. That they were intercepted… in Indonesia, and we are now, of course in coordination with the Indonesian government and the agencies. Arranging for them to be brought back. Siguro within a day.” —Pangulong Marcos.
Kung matatandaan, una nang siniguro ni Pangulong Marcos na mananagot ang mga indibidwal na mapapatunayang responsable o tumulong na makalabas ng bansa si Alice Guo sa harap ng mga reklamo at alegasyong ibinabato dito na mayroong kaugnayan sa POGO operations. | ulat ni Racquel Bayan