Nakatanggap ng tig P1 milyong ang apat na Pinoy Olympians na humarap kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong hapon (August 22).
Ito ay sina professional golfer Dottie Ardina at ang mga gymnast na sina Aleah Cruz Finnegan, Emma Malabuyo, at Levi Ruivivar, na hindi nakadalo sa isinagawang Heroes’ Welcome ng Malacañang, noong nakaraang linggo matapos ang 2024 Paris Olyplics.
“Baka nagtataka kayo meron kaming extra event after dumating na yung ibang mga Olympian. Ay dahil nung nagpa reception kami dito, wala sila dito, nagbibiyahe, at nagka mix up, huli na yung pagkasabi sa kanila, hindi na sila nakauwi. Kaya’t sabi namin, pareho naman yung kanilang pinaghirapan, so dapat andun din sila.” —Pangulong Marcos Jr.
Ginawaran rin ang mga ito ng presidential citation para sa kanilang natatanging pagganap sa kompetisyon.
“Nasama rin natin dun sa lahat ng pagtanggap sa ating mga Olympian na ating ginawa. Sayang lang hindi nila napuntahan yung parada, pero at least everything else ay nagawa. We’re happy we were able to do something extra for those that did not make it to the first round.” —Pangulong Marcos
Ang PAGCOR, nagkaloob rin ng hiwalay na tig P1 milyong, para sa mga atleta. | ulat ni Racquel Bayan