Nagpasalamat si Finance Secretary Ralph Recto kay House Speaker Martin Romualdez na dinala nito ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa probinsya ng Batangas.
Sa talumpati ni Recto sa inilunsad na BPSF sa Lima, Batangas, sinabi nito na maituturing na malapit na kaibigan ng Batangas ang House Leader dahil hindi nito pinabayaan ang kanyang probinsya.
Maalalang noong itinalaga si Recto bilang kalihim ng Department of Finance, si Speaker Romualdez ang nagsilbing caretaker ng kanyang distrito.
Pinasalamatan din ng DoF chief ang mga miyembro ng Kamara sa pagsusulong ng tamang polisiya para sa pag-unlad ng bansa at gawin itong economic powerhouse sa international stage.| ulat ni Melany V. Reyes