Pinalawak pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang partnership sa iba pang ahensya ng gobyerno para sa pagpapatupad ng Sustainable Livelihood Program (SLP).
Ito ang sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa budget hearing sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ayon sa kalihim, wala aniyang technical expertise ang ahensya para sa SLP’s employment track kung kaya kailangan nilang makipag-partner sa concerned agency tulad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at DOLE.
Ang SLP ay mayroong dalawang track, una ang Micro-Enterprise Development na naka-design para sa mga nagnanais na magnegosyo o entrepreneurship, at Employment Facilitation para naman sa nangangailangan ng trabaho.
Samantala, plano pa ng ahensya na pumasok sa five-year framework ng SLP Program at tatawagin ito bilang ‘Sibol’.| ulat ni Rey Ferrer