Plano ngayon ng House Appropriations Committee na silipin kung paano ginugugol ng mga ahensya ng pamahalaan ang kanilang intel funds.
Ito’y matapos na ring makalabas ng bansa si dating Bamban Mayor Alice Guo at iba pang suspek sa high profile na kaso.
Aniya, siniseryoso ng Kongreso ang pagbibigay alokasyon ng intel fund gayundin sa kung paano ito nagagamit.
Kaya nakakabahala aniya na nakatakas si Guo sa kabila ng inilabas na lookout bulletin.
“Congress takes the allocation and use of intelligence funds very seriously. The escape of former Mayor Alice Guo despite an immigration lookout bulletin is an incident of great concern. Isama na din natin ang kaso nina Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy at dating BuCor Chief Gerald Bantag, na hanggang ngayon’y ‘di pa rin nahuhuli. These incidents are alarming because they raise serious questions on use of funds for security and law enforcement,” sabi ni appropriations committee chair Elizaldy Co.
Bagamat maituturing na isolated na insidente, mahalaga ani Co na masilip kung paano nagagamit intel funds at matiyak na hindi na maulit ang ganitong lapses.
“Kailangang siguruhin nating ang bawat piso ng intelligence funds ay nagagamit nang tama at epektibo. We want to prevent these lapses from happening again by ensuring stronger oversight and accountability,” diin niya.
Tulad ng mga nakaraan, bubusisiin aniya ng mabuti ng Kongreso ang pondo ng lahat ng ahensya na mayroong intelligence funds.
“Hindi natin hahayaang masayang ang pera ng bayan. The goal is to make sure every peso serves its purpose. Congress will not take this matter lightly,” sabi ng Ako Bicol partylist solon.| ulat ni Kathleen Forbes