Namahagi ng wheelchair si Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar sa dalawang residente ng BF International bilang bahagi ng outreach efforts nito.
Ayon sa pamahalaang lungsod, ang nasabing mga donasyon ay tinanggap ng mga kaanak ng mga nangangailangan ng wheelchair.
Ayon kay Vice Mayor Aguilar, tuloy ang kaniyang pangako na suportahan ang mga residente ng Lungsod ng Las Piñas na nangangailangan para matiyak na nakatatanggap ito ng sapat na tulong para magkaroon ng mas maayos na buhay.
Nagpasalamat naman ang mga nakatanggap ng nasabing wheelchair at sinabi ang mahalagang papel ng wheelchair sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Ang naturang inisyatabo ng bise alkalde ay patuloy na hakbangin nito para mapalakas ang kalagayan ng mga residente ng Las Piñas sa pamamagitan ng direkta at mabilisang mga aksyon. | ulat ni Lorenz Tanjoco
📷: Las Piñas LGU