Pinayagan ng Quad Committee ng Kamara si Cassandra Ong na dumalo sa susunod na pagdinig ng Senado kaugnay sa isyu ng POGO at pagtakas ni Alice Guo.
Ayon kay Quad Comm lead Chair Robert Ace Barbers, laging bukas ang komite na makipagtulungan sa Senado kaya’t pinahintulutan nila na humarap si Ong bilang resource person.
Ang susunod na pagdinig ng Senado ay sa September 2.
Una nang sinabi ni Barbers na mahalaga ang mga testimonya ni Ong para makita ang koneksyon sa pagitan ng mga iligal na POGO sa bansa at kung paano ito naglipana.
Kasabay nito, hindi naman isinasantabi ni Rep. Joseph Stephen Paduano na imbitahan din ng Kamara si Shiela Guo, kapatid ng dismissed Mayor at kasamahang nahuli ni Ong sa Indonesia. | ulat ni Kathleen Forbes