Nakahanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na umalalay sa mga lokal na pamahalaan sa NCR na nakaranas ng epekto ng habagat nitong Miyerkules.
Ayon kay DSWD Spokesperson Asec. Irene Dumlao, nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa LGU para sa posibleng request ng relief augmentation.
Sa kasalukuyan, sapat aniya ang kanilang relief resources para umagapay sa mga apektado.
Katunayan, aabot sa 270,540 kahon ng family food packs (FFPs) ang available sa Disaster Response Centers, at P109.80 milyon naman ang Quick Response Fund (QRF) sa DSWD Central Office.
Sa panig ng DSWD Field Office-NCR, nasa P19 milyon din ang nakahanda nitong standby fund at stockpile ng relief supplies.
Sa ngayon, ayon kay DSWD NCR Reg. Dir. Michael Joseph Lorico, wala pa namang LGU ang humihiling sa ahensya ng relief packs.
“We advise all affected citizens to continue to coordinate with their LGUs to prevent any untoward incidents while staying in evacuation centers,” Asst. Secretary Dumlao. | ulat ni Merry Ann Bastasa