Nakakuha ang Pilipinas ng mas maraming suporta mula sa Asian Development Bank para tulungan ang bansa sa climate action efforts nito.
Sa isinagawang high-level meeting na dinaluhan ng finance ministers, inanunsyo ni ADB President Masatsugu Asakawa na isinasapinal na ngayon ng ADB ang approval ng $500 million financing support para sa PIlipinas sa ilalim ng Climate Change Action Program o CCAP Sub Program 2.
Ang programa ay bahagi ng US$10 billion climate finance committment ng multilateral bank sa Pilipinas mula 2024 hanggang 2029.
Layon nito na paghusayin ang climate resilience ng mga lokal na komunidad, ecosystem at national economy kung saan nakatutok sa public transport, clean energy, disaster risk management at social protection.
Dagdag pa dito, nangako ang ADB president na ipagpapatuloy nila ang ASEAN catalytic green finance facility at green climate fund upang gawing accessible ito sa bansa.
Nakatakda rin umanong repasuhin ng ADB ang country partnership sa Pilpinas para sa susunod na anim na taon.
Diin ng ADB top official, buo ang kanilang suporta sa bansa dahil sa pagkapanalo sa bid na maging host ng loss and damage fund o LDF Board. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes
📷: DOF