Sinimulan na ng Department of Agriculture Region-9 (DA-9) ang pagmo-monitor ng kanilang mga proyekto at mga asosasyon na naging benepisyaryo ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) program na kanilang ipinatupad sa iba’t ibang panig ng Zamboanga Peninsula.
Kahapon, sinuri ng mga tauhan ng SAAD program ang mga proyekto na kanilang ipinatupad sa bayan ng Sibutad sa lalawigan ng Zamboanga del Norte.
Kinilala rin nila ang potensyal na mga taga pamili o buyer ng mga produkto upang matupad at masunod ang mga tuntunin sa implementasyon ng programa.
Bitbit ng iba’t ibang yunit ng programa na kinabibiblangan ng Social Preparation and Program Management (SPPM), Food Production and Livelihood (FPL), Marketing Assistance and Enterprise Development (MAED), at Information Technology and Database Development (IDD) ang kanilang mga porma para sa monitoring ng mga proyekto at mga asosasyon sa lugar.
Sinuri ng monitoring team ang Marapong SAAD Farmers’ Association na may Cattle and Rice Production Project, at ang Bagacay Farmers’ Association na nabigyan naman ng Carabao Dispersal project ng DA-9 nitong taon. | ulat ni Lesty Cubol, Radyo Pilipinas Zamboanga