Tugon ito ni Executive Secretary Lucas Bersamin kasunod ng kumalat na memorandum circular na nagsasabing kanselado na ang pasok sa mga government office ngayong araw bunsod ng patuloy na nararanasang masamang panahon na dala ni Bagyong Enteng at ng habagat.
Ayon kay Bersamin, wala silang inilalabas na gayung memorandum circular na may kinalaman sa suspensyon ng pasok sa trabaho at klase sa pampubliko at pribadong sektor ngayong araw, September 4, 2024.
Kaugnay nito’y nanawagan ang executive secretary na maging mapanuri sa mga impormasyong kumakalat sa social media at mas maigi aniyang magkaroon ng beripikasyon sa mga naglalabasang impormasyon.
Kaya sa ngayon, tuloy ang pasok sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan na kaibayo sa ipinakalat na maling impormasyon. | ulat ni Alvin Baltazar