Hindi malayo na maharap din sa kasong obstruction of justice ang dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mga naging pahayag nito sa kasagsagan ng paghahanap ng mga awtoridad kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ang tinuran ni House Committee in Appropriations vice-chair Jil Bongalon, budget sponsor ng budhet ng DOJ.
Sa interpelasyon ni ACT-Teachers Party-list Rep. France Castro sa budget ng ahensya natanong nito si Bongalon kung mapapasama si Duterte sa mga maaaring kasunhan ng obstruction of justice lalo na at nang siya ay tanungin sa lokasyon ni Quiboloy ay ‘secret’ lang ang tinugon ng dating pangulo.
Sagot ni Bongalon, may mga elemento ang naturang krimen at kung ito ay present sa kaso ni Duterte ay maaari nga masabi na nagkaroon ng obstuction of justice lalo na ay siya pa ang property administration ng KOJC compound kung saan nasukol ang pastor.
“Sinasabi ko, mayroon pong possibility na pwede siyang, may pwedeng harapin na kaso na obstruction of justice, dahil sa kanya pong pahayag. Publicly, sinasabi niya, alam njya kung nasaan po si Pastor Apollo Quiboloy, pero ayaw niya po itong sabihin dahil ito ay isang sikreto…lalung lalo na siya po ay isang property administrator, ng KOJC compound,” ani Bongalon.
Una naman nang inatasan ni PNP Chief Rommel Marbil ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na magsagawa ng case build up laban sa mga abogado ni Quiboloy.
Giit ng PNP chief, hindi makapagtatago si Quiboloy sa loob ng mahabang panahon nang walang tulong sa mga malalapit na kasamahan, kabilang ang kanyang mga abogado.| ulat ni Kathleen Forbes