Puspusan ang paghahanda ng Cavite para sa pagtatanghal ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa nasabing lalawigan sa September 27 at 28.
Kabilang sa local host ng BPSF event sina Senador Bong Revilla, Cong. Lani Mercado, Cong. Bryan Revilla at Cong. Jolo Revilla.
Inaasahan ang mahigit 60 mga ahensya ng gobyerno ang maghahatid ng serbisyo sa mga Caviteño sa mga nabanggit na petsa.
Ayon kay Cavite 1st Disrict. Cong. Jolo Revilla, handa na sila upang matiyak ang tagumpay ng hangarin ng BPSF at maihatid ang tulong at biyaya sa kanyang mga kababayan.
Aniya, lahat ay uuwing masaya at makararanas ng kaginhawan sa ipagkakaloob na government assistance.
Ito ay nakatakdang daluhan ni House Speaker Martin Romualdez at ilang miyembro ng Kamara. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes