Binago ng Asian Development Bank ang kanilang inflation forecast sa Pilipinas sa 3.6 percent mula sa unang pagtaya na 3.8 percent.
Ang mas mababang forecast ay indikasyon ng patuloy na pagbaba ng presyo ng pagkain bunsod ng mas mababang taripa sa imported na bigas.
Sa kanilang inilabas na Asian Development Outlook September 2024 report, napanatili ng bansa ang economic growth forecast na nasa 6 percent para sa 2024 at 6.2 percent para sa 2025.
Ayon pa sa ADB, ang ‘sustained moderation’ sa inflation ay magbibigay-daan sa rate cut at pagpapalakas ng mga programang pang-imprastraktura na malaking ambag sa paglago.
Sinabi ni ADB Country Director Pavit Ramachandran na dahil sa sustained growth at pagbagal ng inflation, ang Pilipinas ay nasa matatag na posisyon na pangunahan ang paglago sa South East Asia. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes