Hinimok ni Lakas-CMD President at House Speaker Martin Romualdez ang mga partido politikal na sumusuporta sa administrasyon na magkaisa upang maipagpatuloy ang mga napagtagumpayan ng administrasyon sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marco Jr.
Sa isinagawang pagtitipon ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas coalition, sinabi niya sa kaniyang mga kapartido at mga dumalo sa convention na nakikita na ang resulta ng progreso, gaya na lang ng pagsipa muli ng ekonomiya at pagpapanumbalik ng pag-asa para sa bawat pamilyang Pilipino.
Ngunit simula pa lang aniya ito at kailangan ang pagtutulungan at isantabi ang pagkakaiba.
“The future we seek is within our reach, but it will require each of us working hand in hand, with passion and dedication, to bring that future to life. Our alliance proves that despite our differences, we share the same goal — to build a nation where every Filipino can live with dignity, where children can dream without limits, and where the most vulnerable among us are never forgotten,” ani Romualdez.
Ang Alyansa coalition ay binubuo ng Partido Federal ng Pilipinas, Lakas-CMD, the Nationalist People’s Coalition, Nacionalista Party, at National Unity Party.
Sa naturang pagtitipon din pormal na ipinakilala ang senatorial ticket ng administrasyon para sa May 2025 midterm elections.
Kabilang dito sina Interior Secretary Benhur Abalos, Jr., Makati Mayor Abby Binay, Sen. Pia Cayetano, dating Sen. Panfilo Lacson, Sen. Lito Lapid, Sen. Imee Marcos, dating Sen. Manny Pacquiao, Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., dating Sen. Vicente Sotto III, ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, Sen. Francis Tolentino at Rep. Camille Villar.
Tinukoy ni Romualdez na ang koalisyong ito ay nakasandig sa iisang layunin ng pagsisilbi sa taumbayan at mapagbuti ang buhay ng bawat Pilipino.
“When we look back at the challenges our nation has faced, it becomes clear why unity is crucial. Each of our parties, whether it be Partido Federal ng Pilipinas, Lakas-CMD, the Nationalist People’s Coalition, the Nacionalista Party, or the National Unity Party, represents different perspectives, histories, and stories. But today, we come together, not as separate groups, but as one force for the people. We stand united because we know that in our unity, we find the power to turn dreams into reality,” dagdag pa ng House leader.
Pagbibigay-diin pa niya ang mga desisyong pipiliin ngayon ay siyang huhubog sa direksyon ng bansa sa hinaharap.
“It is essential that we stand firm in our resolve to support the programs and legislative agenda of the Marcos administration. These initiatives have laid the foundation for economic recovery, poverty alleviation, and national security,” sabi pa niya. | ulat ni Kathleen Forbes
Photo courtesy of Presidential Communications Office