Hindi natuloy ang pagbasa ng sakdal kay Walter Wong, ang Malaysian national na kinasuhan ng qualified trafficking kasama ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, sa Pasig Regional Trial Court Branch 167.
Ayon kay Atty. Christian Vargas, abogado ni Wong, hindi natuloy ang arraignment dahil sa kanilang inihaing motion to suspend proceedings.
Hindi raw kasi dumaan sa preliminary investigation sa Department of Justice si Wong ngunit isinama pa rin siya sa kaso.
Nakakatakot daw ito dahil nalabag ang karapatan ng kanyang kliyente sa “due process.”
Sa ngayon, nananatili si Wong sa Tarlac Provincial Jail habang suspendido pa ang proceedings. | ulat ni Diane Lear