Inihahanda na ng Kagawaran ng Pananalapi ang transition plan para sa tax administration ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang itatag ang digitalize tax system para sa episyenteng pagbabayad ng revenue collection sa rehiyon.
Sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto, alinsunod sa ito sa taxpayer policy ng kagawaran upang matiyak ang seamless and efficient transition sa lahat ng mga taxpayers sa BARMM.
Naniniwala ang kalihim na may malaking bentahe ang BARMM para sa comprehensive digital system.
Inaprubahan naman ng Intergovernmental Fiscal Policy Board (IFPB) ang pagbuo ng operational working group upang pangunahan ang pagbalangkas ng tax administration plan.
Sakop ng plano ang tax administration function ng BIR at Bangsamoro Revenue Office kabilang ang pagpaprehistro at relevant tax system. | ulat ni Melany Reyes