Pagpapabilang sa lahat ng energy project applications at permitting processes sa iisang virtual one-stop shop, pinamamadali ni Pangulong Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinabibilisan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Energy (DOE) na apurahin ang integrasyon ng lahat ng aplikasyon at proseso para sa energy projects, sa iisang Energy Virtual One-Stop Shop (EVOSS).

Sa sectoral meeting na ginanap sa Malacañang ngayong araw (October 1) isa sa mga tinalakay ay ang streamlining o pagpapadali sa mga energy project applications na natatanggap ng Pilipinas.

Sa ganitong paraan, mas marami pang mamumuhunan sa sektor ng enerhiya, ang mai-engganyong pumasok sa bansa.

Kaugnay nito, nais rin ng Pangulo na ipagbigay-alam ng DOE nang mas maaga sa mga ahensya ang tungkol sa mga endorsement upang masimulan na agad ang permit processing bago pa dumating ang rekomendasyon.

“I have also directed the 𝗗𝗢𝗘 to fully integrate energy-related processes into the 𝗘𝗩𝗢𝗦𝗦 by June 2028, to speed up the processing of permits and to attract more investments in our energy sector. We remain committed to delivering real progress for a better and stronger 𝘽𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙋𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙖𝙨.” —Pangulong Marcos.

Sinabi naman ni Energy Secretary Raphael Lotilla na ipatutupad nila ang mungkahi ni Pangulong Marcos.

Kung matatandaan, kabilang ang matagal na permit processing at kaliwa’t kanang permits at clearances na kailangan sa mga dahilan kung bakit nagdadalawang-isip ang mga investor na maglagak ng negosyo sa bansa, bagay na unti-unti na namang tinutugunan ng Marcos Administration.| ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us