Sinabi ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na dapat kilatising mabuti ang kwalipikasyon ng lahat ng mga kandidato o tatakbo para sa 2025 midterm elections.
Ito ay para hindi na muli magkaroon ng isang ‘Alice Guo’ o dayuhang magkakaroon ng pwesto sa ating gobyerno.
Ayon kay Pimentel, hindi kailangang mag panic at sa halip ay dapat lang maging mapagbantay.
Aniya, may remedyo naman na pwedeng gawin para madiskubre ang sinumang tatakbo na hindi kwalipikado
Dinagdag rin ng minority leader na may mga adjustment rin na pwedeng gawin ang COMELEC para maiwasan ang posibilidad na may mga dayuhang makatakbo isang posisyon sa pamahalaan.
Sa panig naman ni Senate Majority Leader Francis Tolentino, kailangang maging mapagbantay rin ang Commission on Elections (COMELEC).
Ito ay kahit ministerial lang aniya ang papel ng poll body sa pagtanggap ng mga certificate of candidacy (COC).
Pinunto rin ni Tolentino na kahit ang intelligence community at ang general pbulic ay dapat tumulong sa pagkilatis sa mga tatakbo.| ulat ni Nimfa Asuncion