Nadagdagan pa ang mga naghain ng Certificate of Candicacy (COC) sa pagka-kongresista sa ikalawang araw ng COC filing sa Comelec NCR sa San Juan City.
Kabilang sa mga naghain ng COC ang dating kongresista na si Federico “Ricky” Sandoval para sa pagka-kongresista ng lone district ng Malabon.
Makakalaban ni Ricky Sandoval ang naghain na rin ng COC na si dating Malabon Mayor Antolin “Lenlen” Oreta III.
Kasama namang naghain ng COC ni Ricky Sandoval ang kaniyang asawa na si Mayor Jeannie Sandoval.
Sa isang panayam, sinabi ni Ricky Sandoval na marami pa siyang nais na magawa sa Malabon at sakaling palarin na manalo ay tutukan niya ang pabahay, flood control system, at edukasyon sa lungsod.
Sa kabuuan, umabot na sa walo ang naghain ng COC dito sa Comelec NCR ngayong ikalawang araw ng COC filing at inaasahang dadami pa ito hanggang sa October 8.| ulat ni Diane Lear