Naghain kahapon, Oktubre 2, ng kanilang kandidatura sa Comelec Provincial Office sa Catarman, Northern Samar para sa muling pagtakbo nila incumbent First District Board Members Gilbert Layon at Victorio Singzon II.
Bukod sa dalawang re-electionists, tatlong bagong kandidato rin ang nagpahayag ng kanilang hangarin na maging bahagi ng Sangguniang Panlalawigan. Kasama sa mga bagong aspirants sina Engr. Lope Dorado, Nadia Ong, at Engr. Floriane Uy. Sila ay sinamahan ni incumbent Vice Gov. Clarence Dato.
Ayon kay Victorio Singzon II sa kanyang FB post, ang Panginoon at lakas ng mga kapwa Nortehanon ang kanyang pinanghahawakan sa kanyang patuloy na tapat na paglilingkod.
Samantala, bago ang kanilang COC filing, nagsama-sama muna ang lima sa isang thanksgiving mass at blessing ng Sangguniang Panlalawigan Offices sa Provincial Capitol. | ulat ni Suzette Pretencion | RP1 Calbayog