Pinaka hamon ngayon na hinaharap ng Batanes ay ang mga nasirang kabahayan dahil sa Bagyong Julian.
Ayon kay Batanes Rep. Ciriaco Gato Jr. batay sa paunang ulat, halos 50% ng kabahayan sa Batanes ang fully o partially damaged.
Aniya, hindi naman ang Bagyong Julian ang pinakamalakas na bagyong tumama sa kanila, ngunit malaki ang idinulot nitong pinsala dahil inabot ng dose oras ang pananalasa nito sa probinsya.
Dahil naman sa bumuti na ang panahon ay inaasahang madadala na rin aniya sa Batanes ang construction materials para sa pagkumpuni ng mga nasirang bahay.
Katunayan kasama ang mga shelter repair kits sa mga ihahatid ngayong araw ng Office of Civil Defense sa Batanes maliban pa sa relief goods. | ulat ni Kathleen Forbes