P912 million na pondo ang inilaan ng pamahalaan para sa World Teachers’ Day Incentive Benefit sa ilalim ng 2024 National budget.
Ayon kay Makati City Rep. Luis Campos Jr., vice chairperson ng House Committee on Appropriations, sa halagang ito, 912,000 public school teachers ng DepEd ang makikinabang sa P1,000 World Teachers’ Day Incentive Benefit (WTDIB).
Sabi ni Campos, laging tinitiyak ng Kongreso na mapaglaanan ng pondo ang naturang insentibo na taunang ipinapamahagi tuwing October 5.
Katunayan, sa pinagtibay na panukalang 2025 national budget, P955 million naman ang inilaan dito. “We are determined to sustain the annual funding for the WTDIB for our teachers. In fact, the 2025 national budget we approved last month includes another P955 million allocation for this benefit,” ani Campos.
Ang insentibong ito ay bilang pagkilala sa mga sakripisyo ng nasa teaching profession.
Unang naglaan ng pondo para sa Teachers Day incentive noong 2019. | ulat ni Kathleen Forbes