Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo, naghain na ng kandidatura bilang alkalde ng lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang inihain ni Marikina 2nd District Representative Stella Quimbo ang kaniyang kandidatura bilang alkalde ng lungsod.

Tatapatan ni Quimbo si incumbent Marikina 1st District Rep. Maan Teodoro na hahalili naman sa kaniyang mister na si Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro na tatakbo naman bilang Kongresista.

Kasamang naghain ni Quimbo ang kaniyang running mate na si Del de Guzman na naghain din ng kaniyang Certificate of Candidacy bilang vice mayor ng Lungsod.

Naghain din ng kani-kanilang kandidatura ang 10 aspirante sa pagka-konsehal na magsisilbi naman sa dalawang distrito.

Bago ang paghahain ng COC sa COMELEC Marikina, isang programa muna ang isinagawa ng mga taga-suporta nito sa freedom park na nasa likod lamang ng city hall.

Sa isang panayam, sinabi ni Quimbo na tinanggap niya ang hamon na tumakbo sa pagka-alkalde dahil sa aniya’y malaking utang na iiwan ng kasalukuyang liderato nito na kaniyang aaksyunan.

Maliban diyan, tutugunan din ni Quimbo ang iba pang problema sa lungsod gaya ng kawalan ng sapat na trabaho gayundin ang nararanasang pagbaha. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us