Isinusulong ngayon ng Department of Transportation (DOTr) ang iba’t ibang transport infrastructure projects sa Mindanao upang mapabilis ang pag-unlad ng rehiyon.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, malaki ang maitutulong ng maayos na sistema ng transportasyon sa paglago ng ekonomiya ng Mindanao.
Sa kanyang talumpati sa 1st Mindanao Infrastructure Summit sa Davao City, binigyang-diin ni Secretary Bautista ang kahalagahan ng sustainable at inclusive development sa Mindanao.
Kabilang sa mga proyektong ito ang modernisasyon ng Laguindingan Airport.
Nakatakda ring isailalim sa modernisasyon ang mga paliparan sa Mati, M’lang, Jolo, Siargao, Tandag, Bukidnon, at Zamboanga.
Samantala, sisimulan na rin ang Davao Public Transport Modernization Project na layong mapaganda ang public transport system sa Metro Davao.
Magkakaroon ito ng mahigit 600 kilometro na lanes na eksklusibo para sa mga bus, kabilang ang mga electric bus, modern jeepney, at iba pang uri ng pampublikong sasakyan sa Davao City. | ulat ni Diane Lear