Ikinatuwa ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang plano ng Department of Budget and Management (DBM) na lumikha ng limang libong regular positions para sa mga empleyado ng ahensya.
Reaksyon ito ni Secretary Gatchalian sa report ng DBM sa ginanap na budget deliberation sa Senado kaugnay ng DSWD proposed budget para sa 2025.
Sinisikap umano ng DSWD na tugunan at gawing regular ang halos 4,000 hanggang 5,000 na empleyado ng ahensya na pawang nasa contractual positions.
Inaasahan naman na ang mga plantilla position ay maisasagawa bago matapos ang taon.
Sinabi pa ni Secretary Gatchalian na may kabuuang 6,135 contract of service (COS) ang naitalaga na ng ahensya bilang mga contractual employees.| ulat ni Rey Ferrer