House panel Chair, umaasang mas mapapalakas ang literacy at numeracy skills ng mga mag-aaral sa pagsasabatas ng ARAL Act

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang pangunahing may akda ng batas, sinabi ni Romulo na layunin nitong maisakatuparan na magkaroon ng matatag na literacy at numeracy foundation ang mga mag-aaral sa basic education pa lang.

Inaasahan aniya na sa batas na ito, kapag may nakitang estudyanteng nahihirapan ay agad nang magkakasa ng intervention para ito ay maitama at hindi na hintayin hanggang matapos ang school year.

“Nakita natin sa International Assessment Tests… Kahit po yung… Sinabi naman ng DepEd sa amin dun sa isang committee meeting nakaraan lang, base sa mga end and beginning ng mga assessment nila, kailangan natin talagang tulungan yung ating mga mag-aaral. Medyo na be-behind tayo. So ito po, ito yung magiging tool para masigurado po natin na sa umpisa pa lang, makita na ng teacher kung medyo struggling siya sa isang subject, mabigyan ng intervention agad agad.” Sabi ni Romulo.

Para naman maging apektibo at accessible, ang tutorial sessions ay maaaring gawin na face-to-face, online o kaya naman ay blended learning depende sa pangangailangan estudyante.

Masisiguro din aniya dito na mabibigyan ng tamang kompensasyon ang mga guro, para-teachers at pre-teachers na magsisilbing tutor ng mga mag-aaral.

“Through the ARAL Program, we are institutionalizing these efforts, ensuring that the instruction is well-structured, and that our teachers, para-teachers, pre-teachers, and the other competent and qualified individuals as determined by the Department, are adequately compensated,” ani Romulo. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us