Ibinida ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan ang kahalagahan ng maayos na Competition Policy para sa pag-unlad ng ekonomiya.
Ginawa ni Balisacan ang pahayag sa isang forum ng Asian Development Bank Institute (ADBI) sa Tokyo, Japan.
Ayon kay Balisacan, ang Competion Policy ay nagbibigay-daan sa mas maraming oportunidad sa ekonomiya at maiwasan ang monopolyo sa merkado.
Aniya, ang ganitong polisiya ay nagdudulot ng mataas na productivity at benepisyo sa mga mamimili, tulad ng mas abot-kayang presyo ng mga bilihin at mas mataas na kalidad ng mga produkto.
ibinahagi rin ng kalihim ang karanasan ng Pilipinas kung saan isinama ang Competition Policy sa Philippine Development Plan 2023-2028 upang masigurong makamit ang layunin ng kaunlaran sa iba’t ibang sektor. | ulat ni Diane Lear