Hindi pinalampas ng mga mambabatas mula sa Young Guns bloc ng Kamara na sitahin ang pambabastos ni Vice President Sara Duterte sa namayapang dating Pangulong. Ferdinand Marcos Sr.
Ayon kina House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong at 1-Rider party-list Rep. Rodge Gutierrez, ang mga binitiwang pahayag ng bise presidente ay hindi katanggap-tanggap at ginamit lang para mailihis ang atensyon sa mga kinakaharap niyang isyu.
Sa isang pulong balitaan na ipinatawag ng pangalawang pangulo, kaniyang inilahad na sinabi niya kay Sen. Imee Marcos na kaniyang ipapahukay sa libingan ng mga bayani ang labi ng namayapang pangulo at itatapon sa West Philippine Sea.
Tinawag ni Adiong na bastos at desperada ang pangalawang pangulo.
Imbes aniya na bastusin ang namayapa na ay dapat sagutin na lang niya ang kinakaharap na mga isyu gaya ng maling paggastos at pamamahala ng pondo ng bayan.
“Threatening to desecrate the dead just to shift the narrative is utterly unacceptable. The Vice President must answer the allegations against her, not stoop to such shameful actions. This isn’t just political banter—it’s a blatant act of desecration. In our culture, we honor the dead. To use them as pawns in a political game is disgusting,” diin ni Adiong.
Sabi naman ni Gutierrez kahit anong pilit pagtakpan ng bise ang kwestyunableng pamamahala ng kaniyang tanggapan sa mga ipinagkaloob na pondo ay hindi na maaalis ang atensyon ng publiko sa mga isyung kaniyang kinakaharap.
“This is pure desperation. Instead of facing the allegations head-on, VP Duterte resorts to vile threats. It’s a clear attempt to divert attention, but no amount of disrespect will cover up her mismanagement.” Sabi ni Gutierrez.
Kasalukuyang sinisiyasat ngayon ng House Blue Ribbon Committee ang kwestyunableng paggasta ng Office of the Vice President at DEPED noong kalihim pa nito si VP Sara particular sa confidential at intelligence fund. | ulat ni Kathleen Forbes