Nakaalerto na ang Philippine Army para sa pagtugon nito sa epektong dulot ng bagyong Kristine.
Sa pulong balitaan sa Kampo Aguinaldo kaninang umaga, sinabi ni Army Public Affairs Chief, Col. Louie Dema-ala, ipinakalat ang nasa 301 tauhan ng 5th Infantry Division na nakabase sa Gamu, Isabela na magsisilbing Humanitarian Relief and Disaster Response Team.
Maliban sa mga tuahan, nakahanda na rin ang kanilang 3 rubber boats at 182 land assets na gagamitin naman sakaling kailanganin para sa Search, Rescue and Retrieval Operations.
Maliban sa 5th Infantry Division, naka-standby na rin ang mga tauhan mula sa 2nd at 7th Infantry Division na nakasasakop naman sa Southern at Central Luzon.
Gayundin ang mga tauhan ng 8th at 9th Infantry Division na nakasasakop naman sa Bicol at Visayas Region na siyang unang sasalubong sa hagupit ng bagyo.| ulat ni Jaymark Dagala