Inaabangan na sa Bicol International Airport Daraga Albay, ang pagdating ng 20 na rubber boats 20 na rubber boats, kasama ang 20 rin na yamaha outboard motors, at water rescue equipment tulad ng life vest, life bouy, traction rope, at rope throwing bag. Isasakay ang mga ito sa C130 plane.
Nagpapasalamat si AKO Bicol Solon-House Appropriations Chair Elizaldy S. Co sa tulong at malasakit na ito ni Speaker Martin Romualdez sa mga Bicolano.
Ipapagamit ang mga rubberboats na may overboard motors, at mga water rescue equipment sa iba’t-ibang ahensya tulad ng 49th Infantry Battalion ng 9th Infantry Division, Philippine National Police, Maritime Group, Philippine Coast Guard, LGUs, at NAVFORSOL para makatulong sa mga water rescue operations. | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay