Himlayang Pilipino, nagdagdag ng security personnel para bantayan ang mga nanggugulo sa magdamag

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagdagdag pa ng pwersa ang pamunuan ng Himlayang Pilipino para magbigay ng seguridad sa buong magdamag sa sementeryo.

Ayon kay Engineer Michael Abiog, Operations Manager ng sementeryo, bukod sa mga dinagdag na security guards ay katuwang din nila ngayon ang mga tauhan ng 11th Airforce Group Reserve ng Philippine Airforce, QC DPOS, at QC Oplan Task Force Disiplina.

Naging karanasan na aniya sa nagdaang taon ang panggugulo ng ilang mga grupo ng kabataan sa loob ng sementeryo pagsapit ng gabi.

Hanggang 4:00 PM, umabot na sa 25,000 katao ang nasa loob ng sementeryo. Asahan pa aniya na madadagdagan ang bilang na ito sa buong magdamag.

Ayon pa kay Abiog, mas kaunti ang bilang ng mga taong bumisita ngayon kumpara noong nakalipas na taon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us