Walang nakikitang dahilan si Senate President Francis Chiz Escudero para hindi makakuha ng kopya ang International Criminal Court (ICC) o kahit sinuman ng transcript ng naging pagdinig ng Senate Blue Ribbon Subcommittee kaugnay sa war on drugs.
Sinabi ni Escudero na isinapubliko na nila ang transcript at maaari na itong kunin ng kahit na sino dahil maituturing na itong public document.
Wala rin aniyang problema kay Escudero na mag-certify ng kopya ng transcript ng ginawang hearing tungkol sa extra judicial killings (EJKs).
“Kung may mag-request na valid ang rason para i-request, hindi mag-aatabuli ang Senado na mag-certify ng kopya ng transcript ng hearing na isinagawa kaugnay sa EJKs, pero syempre hindi naman pwedeng kung sinu-sino lang o basta-basta ng walang dahilan at rason.” – sabi ni Escudero.
Kasabay nito, kinumpirma ng senate leader na wala silang balak tanggalin sa records ng pagdinig ng Senado ang mga naging pagmumura ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing hearing.
Ayon kay Escudero, pinaliwanag sa kanya ni Senador Koko Pimentel na bahagi kasi ito ng naging narration ni Duterte. | ulat ni Nimfa Asuncion