Nagbabala ngayon si Speaker MArtin Romualdez sa mga nais pigilan ang ginagawang paghahanap ng katotohanan at katarungan ng Kamara.
Sa kaniyang mensahe sa pagbubukas ng sesyon ngayong araw, binigyang pagkilala ng lider ng Kamara ang mga hakbang na ginawa ng miyembro ng Quad Committee kabilang na ang “Young Guns” blood sa ginagawang pag-imbestiga sa isyu ng extrajudicial killings, illegal drugs, POGO, iligal na procurement process at pinasok na kontrata, lalo na ng mga dayuhan.
Sa pagnanais na makamit ang hustisya, katotohanan at pananagutan ay nakapaglatag din aniya ang komite ng mga panukalang batas, gaya na lang ng House Bill 10986, o “Anti-Extrajudicial Killing Act,” at HB 10987, o “Anti-Offshore Gaming Operations Act.”
Ngunit dahil din aniya pagta-trabaho na ito ng Quad Comm at Young Guns ay naging target din sila ng mga pag-atake at paninira para lang bahiran ang kanilang integridad.
“But let us not be naive to the reality we face. those who seek to hide the truth will always resist, and our efforts are not immune to attack. the quad-committee and our “Young Guns” have become the target of those who prefer the shadows over the light. they attempt to undermine our work, casting aspersions and spreading false narratives to discredit our pursuit of accountability,” sabi ni Speaker Romualdez.
Giit niya, hindi magtatagumpay ang mga may masamang hangarin lalo na para pigilan ang pagkamit ng katotohanan.
“We understand that this journey will not be easy and that standing for what is right often means standing against the tide. But history has shown us, time and again, that no force can stand against the truth for long. Evil may cloak itself in power, influence, and wealth, but in the end, it is goodness that triumphs….Sa mga nagtatangka na pigilan tayo sa paghahanap ng katotohanan at katarungan, isa lamang ang sasabihin ko sa inyo: hindi kayo magtatagumpay sa masamang hangarin ninyo,” diin niya.
Paalala naman niya sa mga kasamahan na sa kanilang pagpapatuloy ng paghahanap sa katotohanan ay lalo pang titindi ang pag-atake sa institusyon, ngunit hindi aniya sila magpapatinag at dahil hindi aniya sila papayag na bumalik ang panahon ng kadiliman at kasamaan.
Mensahe pa niya sa mga kumukwestyon sa kanilang motibo, hangad lang aniya ng Kamara angisang bansa na malaya, patas at sumusunod sa rule of law.
“To those who may question our motives, I say this: we are here for the people, for the truth, and for the enduring ideals of this republic. Our work transcends personal ambition; it is about laying the foundation for a nation that is free, just, and governed by the rule of law. We are building a legacy that our children and grandchildren can look back on with pride,” dagdag pa ng House Speaker.| ulat ni Kathleen Forbes