Pag-akyat sa 300 na bilang ng Kadiwa stores sa buong bansa, target maisakatuparan ng Marcos Admin sa susunod na taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) na palawakin pa ang KADIWA stores sa buong bansa.

Nais ng Pangulo na i-akyat ang bilang nito sa 300, mula sa kasalukuyang 21 sa ikalawang quarter ng 2025.

Kaugnay nito, hiniling ng DA sa Pangulo na pondohan ang rehabilitasyon at pagsasaayos sa mga warehouse na maaaring gawing KADIWA outlet.

Sa ganitong paraan, madu-doble pa sa 600 ang binabalak na 300 Kawida outlets.

Iniulat din ng ahensya na nasa 148 new sites ang una nang inaprubahan ng tanggapan ngayong taon.

“The National Food Authority (NFA) also procured a large volume of palay at 6,472,299 bags for the period of January to October 2024 with a performance rate of 72.65 percent based on the 8,908,860 bags target for the said year –a first in almost a decade.” -PCO. 

As of September, 2024 nasa 447 na ang kabuuang bilang ng mga KADIWA pop up store at on-wheel ang nag o-operate sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“With the continuous implementation of Price Range Scheme for Palay Procurement (PRICERs) which benefits local farmers, the NFA is poised to reach the necessary amount of buffer stockpiles by the end of the year.” -PCO | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us