Magsisimula na ngayong Nobyembre ang operasyon ng LRT-1 Cavite Extension Phase 1.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Baustista, ang phase 1 ay bubuuin ng limang istasyon mula Quezon City hanggang Parañaque.
Kabilang ang Redemptorist – Aseana Station, MIA Road Station, PITX Station, Ninoy Aquino Avenue Station, at Dr. Santos Station na dating Sucat.
Sa pagbubukas ng extension phase na ito, ang biyahe mula Quezon city hanggang Parañaque ay inaasahang iikli sa loob ng isang oras o mas mababa pa.
“We hope that this opening of the extension of Line 1 will help alleviate traffic as it will be able to support thousands of passengers ‘no, additional passengers taking LRT Line 1 and this will be our early Christmas gift to the residents of the area.” – Sec. Baustista.
Kaugnay nito, sinabi ni Light Rail Manila Corporation General Manager Enrico Benipayo na nasa 80,000 mga pasahero kada araw ang kaya i-accomodate nito na makakabawas hanggang sa 6,000 sasakyan sa mga kalsada.
“Very rough calculation. So we engaged a consultant just to provide us some estimates ‘no. So iyong 80,000 passengers a day could actually translate to around 6,000 vehicles a day that can be off.. and it’s composed of, we assumed, 70% of that would be private and the 30% would be public.” sabi ni Benipayo.
Status quo rin aniya o walang taas pasahe na aasahan ang commuters sa pagbubukas ng LRT Line 1 Extension project, bagkus, dagdag lamang para sa limang dagdag na istasyon sa buong stretch ng Phase 1 mula Fernando Poe Jr. station sa Quezon city hanggang sa Dr. A Santos Avenue station sa Sucat, Parañaque city.
“Kapag bumili po kayo ng single journey, so that’s the first product, it’s P45. Pero we’re pushing the stored value. If you use stored value, it’s cheaper by two pesos for end-to-end.” —saad ni GM Benipayo. | ulat ni Raquel Bayan