Hinihiling ni Senador Joel Villanueva sa Department of Migrant Workers (DMW) at sa Department of Foreign Affairs (DFA) na magkaroon ng proactive approach sa pagtugon sa inaasahang deportation ng mag Pilipinong hindi dokumentado sa Estados Unidos.
Ito ay bilang tugon sa mga planong polisiyang ipatupad ni newly elected US President Donald Trump.
Ayon kay Villanueva, kailangang maging handa ang dalawang ahensya para sa repatriation at reintegration program ng mga undocumented Pinoy sa US.
Sinabi ng senador na bahagi ng mandato ng DMW na tulungan ang mga Pinoy sa ibang bansa, dokumentado man sila o hindi.
Nakapaloob na aniya ang mga dapat na aksyon ng DMW sa kanilang Aksyon Fund kung saan magbibigay ng tulong sa mga migrant workers at ang Emergency Fund para naman sa mga agarang aksyon.
Sisiguraduhin din aniya ng senador na magkaroon ng hiwalay na budget sa DFA para naman sa assistance to national fund na magagamit sa pagpapauwi sa mga Pinoy.| ulat ni Nimfa Asuncion