Pinuri ni Finance Secretary Ralph Recto ang government securities-eligible dealers (GSEDs) sa kanilang mahalagang papel sa nation building at tulong para makalikom ng pondo para sa financial inclusion ng mga Pilipino.
Ang GSEDs at mga dealer ng securities na lisensyado ng Securities and Exchange Commission (SEC) at kanilang sa mga industriya ng serbisyong pinansyal na sinusubaybayan ng mga ahensya ng gobyerno gaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), SEC at Insurance Commission (IC).
Bilang bahagi ng kanilang tungkulin, sila ay may karapatan makilahok sa pangunahing auction ng government securities.
Sa taong 2024, nakatulong ang GSEDs sa paglikom ng P586.84 billion mula sa 30th retail Treasury Bond (RTB) sa kasaysayan ng bansa.
Ginawa ni Recto ang pahayag sa ika 127th anniversary ng Bureau of Treasury kung saan binigyang parangal ang mga GSEDs.
Kabilang sa top performers ang Metrobank at ilang pangunahing bangko sa bansa gaya ng BDO, BPI, China Bank, Citibank, DBP, Landbank, PNP, Security Bank at Standard Chartered bank.| ulat ni Melany V. Reyes