Pinalagan ni dating Senadora Leila de Lima ang naging bansag sa kaniya bilang ‘Mother of All Drug Lords.’
Sa interpelasyon ni House Committee on Public Order and Safety chair Dan Fernandez ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung sang-ayon sya sa pagsasalarawan ng ilan sa mga dating opisyal ng pamahalaan kay De Lima na lumabas sa isang artikulo sa pahayagan.
Sabi niya nais niyang batiin ang naturang mga opisyal dahil sa kanilang statement.
“I would like to congratulate them for making this statement,” sagot ni Duterte.
Pero nang tanungin naman ni Fernandez kung ano ang masasabi dito ni De Lima, mariin niyang tinutulan ang pahayag.
Sabi niya, abswelto na sya sa tatlong kasong ginawa at isinampa laban sa kanya ng nakaraang administrasyon na nag-uugnay sa kaniya sa kalakaran ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prisons.
Dagdag pa niya, mismong ang mga iniharap na preso na tumestigo laban sa kaniya ay binawi ang mga testimonya.
“Absolutely false. That is a fictitious bogus allegation against me. And then they filed cases against me. Kinasuhan po ako nila ng mga kaso tungkol sa droga initially consumated illegal drug trading, inamend nila into conspiracy to commit illegal trading. Tatlo pong kaso yung sinampasa akin. Absuelto na po ako dun sa tatlo, dahil wala po akong kinalaman sa illegal drugs kasama lang huyan sa naging propaganda nila,” emosyunal sa paglalahad ni De Lima.| ulat ni Nimfa Asuncion