Dagdag pondo para sa rescue response capability ng AFP, itutulak ni Sen. Binay.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isusulong ni Senadora Nancy Binay ang dagdag na pondo para makabili ang Department of National Defense ng karagdagang equipment para sa disaster rescue response.

Sa naging deliberasyon sa plenaryo ng Senado ng panukalang 2025 budget ng DND, sinabi ni Binay na sa Period of Ammendments ng budget bill ay magpapanukala siya ng budget para madagdagan ang kapabilidad ng ating sandatahang lakas sa pagsasagawa ng rescue operations.

Sa naging talakayan, binahagi ng sponsor ng DND budget na si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na sa kasalukyan ay mayroon nang 4 na rescue helicopters at 4 na C130 ang AFP.

May inaasahan pa aniya ang ahensya na dadating na 3 pang C130 at 17 pang Black Hawk helicopters.

Gayunpaman, pinahayag ng DND sa pamamagitan ni Dela Rosa na kailangan pa ng AFP ng mga heavy lift helicopters na walang pinaglaanang budget para sa susunod na taon.

Nangako naman si Binay na magsusulong siya ng dagdag pondo para sa pagbili ng Sandatahang Lakas ng ganitong equipment lalo na’t dahil sa climate change ay mas lumalakas ang tama at epekto ng bagyo sa ating bansa.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us