Maayos na reintegration program at oportunidad sa trabaho, dapat ihanda para sa mga Pilipino sa US na posibleng ipadeport

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihimok ni OFW party-list Rep. Marissa Magsino ang pamahalaan na siguruhing maagap na matugunan ang epekto ng posibleng mass deportation ng nasa 300,000 na mga undocumented OFW sa U.S., kasabay ng pagpasok ng bagong administrasyon.

Giit niya, mahalaga na mailatag ang komprehensibong social safety nets, reintegration programs, at mga mekanismo para sa job retooling, re-skilling, at employment facilitation para sa mga pauuwiing OFW.

Sana rin ay malapit o katumbas ng kanilang mga maiiwang trabaho sa Estados Unidos ang maibigay na trabaho sa kanilang pagbabalik bansa.

Nananawagan din ang lady solon sa Department of Foreign Affairs na gumawa ng mga hakbang upang matiyak na dumaan sa legal na proseso ang pagpapadeport sa ating mga kababayan.

Kabilang dito ang pag-access sa mga hearing, karapatang umapela, at mabigyan ng patas na pagkakataong iharap ang kanilang kaso. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us