Lumobo pa ang bilang ng mga stranded na pasahero sa 55 pantalan sa buong bansa dulot ng bagyong Pepito.
Sa tala ng Philippine Coast Guard, nasa 3,912 na mga pasahero, truck drivers at helpers ang kasalukuyang nananalagi ngayon sa mga pantalan sa Bicol Region, Eastern Visayas at Southern Tagalog.
Nasa 1,510 na mga rolling cargoes, 19 vessels, at 5 motorbancas ang apektado ng kanselasyon.
Sumilong naman sa mga pantalan ang 248 vessels at 162 na mga motorbancas.
Namigay na ang Philippine Port Authority ng mga pagkain sa mga stranded na pasahero. | ulat ni Mike Rogas