OFW cash remittances, umakyat sa 3.3% nitong Setyembre — BSP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naitalang tumaas sa 3.3 % ang cash remittances mula sa mga overseas Filipino workers (OFWs) noong Setyembre 2024, ayon sa pinakahuling tala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon sa BSP, umabot sa $3.01 bilyon ang naipadalang pera ng mga OFW sa nasabing buwan, mas mataas kumpara sa $2.91 bilyon noong Setyembre 2023.

Mula Enero hanggang Setyembre, naitala ang kabuuang remittance na $25.23 bilyon, 3 % itong mas mataas kumpara sa $24.49 bilyon noong nakaraang taon. Ayon sa BSP, ang pagtaas ay bunsod ng mas mataas na remittances mula sa land- at sea-based workers.

Ang US, Saudi Arabia, Singapore, at United Arab Emirates ang nanguna sa mga pinanggalingan ng remittances mula Enero hanggang Setyembre.

Ayon sa mga ekonomista, nananatiling mahalagang salik ang remittances sa pagpapalago ng ekonomiya ng Pilipinas, lalo na’t pinalalakas nito ang consumer spending na bumubuo ng 70% ng GDP ng bansa.

Inaasahan naman ang pagtaas pa ng remittances dahil sa nalalapit na Kapaskuhan. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us