Pinuri ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang Local Government Units sa kanilang mabilis at mahusay na preemptive evacuation sa panahon ng pananalasa ni Super Typhoon Pepito.
Sinabi ng kalihim, mahigpit ang isinagawang monitoring ng mga LGU sa ground at pinangunahan ang Disaster Management Efforts sa kanilang lokalidad.
Pinuri din niya ang Philippine National Police at Bureau of Fire Protection na nag deploy ng mahigit 20 libong tauhan para asistihan ang LGUs sa evacuation efforts.
Aniya, ang pinakamalaking aral sa sunud-sunod na tropical cyclones ay ang maging matatag ang mga LGU.
Lalo na sa pagpapatupad ng forced evacuation at para sa publiko na makinig sa local officials.
Sabi pa ni Remulla dahil sa maagap na pagtugon ng LGUs naging kakaunti lamang ang casualty sa kalamidad. | ulat ni Rey Ferrer